P-Digong ang hilig mag-joke, kapag hindi bumenta, minumura ang mga 'di natuwa, tsk-tsk-tsk!

PAGIGING PRESIDENTE, GINAGAWANG JOKE NI P-DUTERTE —Matapos makatikim ng batikos sa publiko sa sinabi niyang siya ay nagma-marijuana, sinabi ni P-Duterte na nagdyo-joke lang daw siya, saka minura ang mga taong naniwala sa kanyang joke.
Pambihirang pangulo ito, mantakin n’yo, inihalal siya ng mahigit 16 milyong Pinoy sa paniwalang rerespetuhin niya ang Office of the President, ‘yun pala gagawin lang niyang joke ang pagka-pangulo niya at ang masaklap, kapag ang joke niya ay hindi nagustuhan ng publiko ay minumura niya ang mamamayang naniwala sa kanyang joke, buwisit!
◘◘◘
ANG DAMING NAGHIHIRAP, TAPOS ANG PABONUS NI P-DUTERTE SA KANYANG MGA ALIPORES TIG-P50K—Tumataginting na tig-P50K ang pabonus ni P-Duterte sa mga kawani ng Malacañang.
Kung sa sariling bulsa ni P-Duterte manggagaling ‘yan, okay lang, pero kung sa kaban ng bayan niya kukunin ang tig-P50K bonus sa mga taga-Malacañang, aba, bad ‘yan kasi ang daming Pinoy ang naghihirap tapos ganyan kalaki ang ipambobonus niya sa kanyang mga alipores sa Palasyo, pwe!
◘◘◘
DAPAT KUWESTYUNIN SI GOV. ESPINO SA PEKENG YOSI AT ILLEGAL CHINESE WORKERS SA PANGASINAN—Mahigit P2 bilyon halaga ng mga pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng BIR at NBI sa dating piggery na ginawang pagawaan at warehouse ng pekeng sigarilyo sa Bugallon at Mangaldan sa Pangasinan at sa raid na ito ay limang illegal Chinese workers ang natimbog ng mga awtoridad.
Ang laking sindikato ito kasi mantakin n’yo, ang mga trabahador ng pekeng sigarilyo ay illegal Chinese workers.
Dapat kuwestyunin ng BIR at NBI si Pangasinan Gov. Amado Espino III kung bakit may ganito kalaking sindikato na ino-operate ng illegal Chinese workers ang nakapag-operate sa kanyang lalawigan, period!
◘◘◘
‘BABUYAN’ NG EX-POLICEMAN, BIGLANG NAGING PABRIKA NG PEKENG YOSI —Ayon sa BIR at NBI, isang dating pulis na nagngangalang “Dong Calugay” ang nagmamay-ari raw ng piggery na ginawang pabrika ng pekeng sigarilyo sa Pangasinan.
Ganu’n? Aba, dapat gisahin nang todo ng BIR at NBI ang ex-policeman na ‘yan kasi baka may alam ‘yan kung bakit ang kanyang “babuyan” ay biglang naging pagawaan ng pekeng sigarilyo? Boom!





Comments