Laborer nilikida ng tandem
Pabs Hernandez III
Dec 5, 2018
1 min read
NORTH COTABATO—Isang laborer ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kabacan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Asero Banog, residente ng Bgy, Magatos sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nakasakay umano si Banog sa motorsiklo nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments