Karapatang edukasyon para sa mga may kapansanan, ibigay!
- BULGAR

- Dec 5, 2018
- 1 min read
SA ginanap na pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities noong Disyembre 3, ipinanawagan ng grupong tumutulong sa mga may kapansanan ang karapatang edukasyon at nutrisyon para sa kanila.
Mayroong 1.4 milyon PWDs sa bansa at 300,000 sa kanila ay kabataan na nangangailangan ng edukasyon at sapat na nutrisyon.
Sa ngayon, mapapansin natin na maraming PWDs ang sa mga pangkaraniwang eskuwelahan lang pumapasok at nag-aaral kung saan nakararanas sila ng “bullying” o pangungutya mula sa kapwa nila estudyante at iba pa. Ito ay sa kadahilanang kahit may mga paaralan na makasuporta sa kanilang pinagdaraanan, wala naman silang kakayahang mag-enroll sa mga ito.
Gayunman, may ilan pa ring handang tumulong at malawak ang pang-intindi sa kanila, pero mayroon ding mapanghusga at ‘yun ang dapat natin iwasang maranasan nila.
Kaya upang maibigay ang karapatang edukasyon at tamang nutrisyon para sa kabataang PWDs, hinihiling natin sa gobyerno na sana ay bigyang-pansin ang isyung ito nang sa gayun ay maipakita rin nila sa mundo kung anu-ano ang mga kakayahang maipakikita nila sa mundo kahit may kakulangan sila sa kanilang pisikal na kaanyuan.
Dagdag pa rito, mas makasisigurado tayong hindi sila maaabuso at magkakaroon sila ng paunang hakbang tungo sa magandang kinabukasan.
Samantala, ‘ika ng ilan, upang maging maayos ang takbo ng isang bayan, pagtutulungan ang kailangan kaya diskriminasyon, tuldukan!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments