Babala sa madalas pulikatin!

Dear Doc. Shane,
Ako ay 62 years old at mayroong diabetes. Madalas akong hindi makatulog sa gabi dahil sinusumpong ang pananakit ng binti ko sa bandang kanan. Hinihilot ko na lang ito para mabawasan ang sakit. Nais kong malaman kung ano ang sanhi nito? — Gina S.
Sagot
Ang mga ugat (daluyan ng dugo) sa paa ay puwedeng mabarahan ng taba kung may diabetes. Dahil dito ay kumikipot ang mga ugat at nagiging kulang ang daloy ng dugo sa mga paa at binti kaya ito ay sumasakit. Ang tawag dito ay peripheral arterial disease (PAD). Kapag kulang ang dugong dumadaloy sa mga paa at binti ay kulang din ang oxygen na nakararating sa muscles.
Ano ang mga nararamdaman kapag may PAD?
Masakit ang mga binti kapag naglalakad subalit, nawawala pagkatapos magpahinga ng ilang minuto.
Namumulikat o madaling mapagod ang mga binti sa paglalakad.
Namamanhid o nanlalamig ang mga paa o binti.
Matagal na paghilom ang mga sugat sa paa.
Nanunuyo, nagbabalat o cracked ang balat ng mga paa.
Madalas sumasakit ang mga daliri ng mga paa kahit nakapagpahinga.
Gayunman, karamihan sa edad 50 pataas na may diabetes ay may PAD. Ang PAD ay mayroong mataas ang tsansa sa peligro na atakihin sa puso, ma-stroke at maputulan ng paa. Maaaring magpakonsulta sa doktor upang masukat nito ang blood pressure sa mga binti at ikumpara ito sa blood pressure sa mga braso. Kapag mas mababa ang blood pressure sa mga binti kumpara sa mga braso, maaaring ako ay may PAD. Ibig sabihin, mas kaunti ang dumadaloy na dugo sa mga binti. Gayundin, maaaring magtanong sa doktor tungkol sa peripheral arterial disease (PAD) kung nakararanas ng mga nabanggit na sintomas.





Comments