top of page
Pokwang.jpg

ACES AT BALLERS, HAHARAP PARA SA KORONA NG NBL

Alvin Olivar
Dec 5, 2018
1 min read

MAGHAHARAP ang Parañaque at Dasmariñas para sa kampeonato ng National Basketball League (NBL). Ito ay matapos dai­gin ang mga katunggali sa knockout semifinals noong Sabado sa laro na ginanap sa San Dionisio Gym.

Tinalo ng Parañaque Aces ang Laguna Pistons, 104-96, habang nanaig ang Dasmariñas Ballers kontra Bulacan Makabayan, 96-93, upang umabanse sa finals na magsisimula nga­yong Miyerkules sa San Dionisio gym sa Parañaque City.

Gaganapin ang Game 2 sa Philippine Christian Uni­­versity-Dasmariñas gym sa Sabado. Gumawa ng 21 points, 9 rebounds, at 7 assists si JR Galit, ha­bang umiskor ng 18 points si Noy Bermudes para sa koponan ng Aces na ang head coach ay ang dating Letran Knight na si Harold Sta. Cruz.

Samantala, pina­nguna­han ni John Cantimbuhan ang atake ng Ballers mata­pos gumawa ng 22 points at 6 assists, habang 15 points ang ikinamada ni Junard Caparida para sa Dasma­riñas.

Nakumpleto ng Ballers ang upset kontra Bulacan Makabayan na nagtapos ng unang puwesto sa eliminations at twice-to-beat sa pagpasok ng semifinals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page