top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Worried na maoperahan sa thyroid gland

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2018
2 min read

Dear Doc. Shane, Ang sabi sa akin ng doktor ko ay mayroon daw akong thyroiditis at kailangan daw ma-monitor ang aking thyroid gland dahil dito. Nais kong malaman kung tungkol saan ang sakit na ito at kailangan ba itong operahan? — Alice

Sagot

Ang thyroiditis ay ang pamamaga ng thyroid gland. Ito ay may tatlong yugto.

Sa unang yugto, tumataas ang level ng thyroid hormones (T3, T4) sa dugo. Ito ang thyrotoxic phase. Ang thyroid ang siyang gumagawa ng thyroid hormones, sa loob nito nakaimbak ang thyroid hormones. Dahil namamaga ang thyroid, tumatagas ang thyroid hormones mula sa gland papunta sa dugo. Puwede itong tumagal nang ilang linggo o ilang buwan.

Pagkatapos ng pagtaas ng thyroid hormones mula sa thyroid gland nang ilang buwan ay puwedeng magkulang ang thyroid hormones dahil naubos ang naimbak na thyroid hormones. Ito ang hypothyroid phase.

Mayroon ding euthyroid phase kung saan normal na ang level ng thyroid hormones sa dugo.

Narito ang mga pagkasunud-sunod ng mga yugto ng thyroiditis:

  • Thyrotoxic phase (mataas ang thyroid hormones) –> Hypothyroid phase (mababa ang thyroid hormones) –> Euthyroid phase (normal ang thyroid hormones)

  • Thyrotoxic phase (mataas ang thyroid hormones) –> Euthyroid phase (normal ang thyroid hormones) –> Hypothyroid phase (mababa ang thyroid hormones)

Hindi lahat ng may thyroiditis ay nauuwi sa pagiging hypothyroid kung saan mababa ang T3 at T4 at mataas ang TSH. Kailangang uminom ng l-thyroxine tablets para mag-normal ang levels ng T3, T4 at TSH.

Depende sa uri ng thyroiditis kung magiging permanente ang hypothyroidism. Kung permanente ang hypothyroidism, habambuhay na kailangang uminom ng l-thyroxine.

Ang hypothyroidism ay kadalasang permanente na pagkatapos ng Hashimoto’s thyroiditis.

Kung subacute thyroiditis ay puwedeng mga isa hanggang tatlong buwan na may sintomas na dulot ng hindi normal na levels ng thyroid hormone. Bumabalik din sa normal ang thyroid pagkatapos ng isang taon (12 months) hanggang isa’t kalahating taon (18 months). Ang tsansa na maging permanente ang hypothyroidism ay 5% lamang.

Kung postpartum, silent or painless thyroiditis, isang taon (12 months) hanggang isa’t kalahating taon (18 months) din bago bumalik sa normal ang thyroid. Ang tsansa na maging permanente ang hypothyroidism ay 20%.

Kailangan ng monitoring at regular follow-up sa doktor kung may thyroiditis dahil iba ang gamutang ginagawa depende sa kung anong phase o yugto na ng thyroiditis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page