SON ALSO RISES, CHAMP

MASASABING matagumpay ang katatapos na 5th. Pasay-The Travel City Racing Festival at 2018 PHILRACOM Grand Sprint Championship sa Metro Turf Tanauan City, Batangas nitong Linggo.
Unang ginanap ang Philracom Grand Sprint na pinagwagian ng Son Also Rises na nag-uwi ng P600,000 at trophy na pag-aari ni Benhur Abalos Jr.
Pumangalawa ang Pinagtipunan na pag-aari ni Benjamin Abalos III, na tumanggap ng halagang P225,000, pumangatlo ang Lakan na tumanggap ng P125,000 at P50,000 sa 4th places na Dinalupihan.
Iniuwi ng Princess Eowyn ang unang premyo ng 4th Former Pasay City Eduardo “Duay” Calixto Cup nang talunin ang Helushka, Disyembreasais at The Ballister.
Hindi nabigo ang mga tagahanga ng My Jopay nang kubrahin ang unang premyong P420,000 matapos tanghaling kampeon sa 5th Pasay City Tony Calixto.
Tumanggap ng P157,500 ang pumangalawang Full of Grace,pumangatlo ang Oktubre Katorse na nag-uwi ng P87,500 at pumang-apat ang Barayong.
Itinanghal na kampeon sa katatapos na 5th Pasay The Travel City Cup ang Tin Drum na tumanggap ng P300,000 nang talunin ang Anino na nakatanggap ng P112,500 at sinundan ni Eugene Onegin na nag-uwi ng halagang P62,500.
Samantala,masasabing magandang karera ang inihanda ng Santa Ana Park, Naic,Cavite ngayong araw. Pitong karera ang inihanda ng Santa Ana Park na unang paglalabanan ng Batang Arrastre, Yosemite at couple entry na Sunshot at Wafu The King.
Sa race 2, pinapaboran ang Exhilarated, Hidden Light, Goldsmist at Wannabe, susundan ng race 3, na paglalabanan naman ng Ten Ten Forty at Rico Mambo.
Sa race 4, paglalabanan ng Cinderella King at Easy Landing at paglalabanan ng Joem’s Gal at Surplus Princess sa Race 5.
Labanang umaatikabo ang magaganap sa race 6 sa pagitan ng Niccole Girl, Ava Natalia at ang couple entry na Tap Dance at High Grader.
Paglalabanan ng kapwa couple entry na Lets Dance Zumba/Wessfacckol at Grandox/Undercover sa Race 7.
Tip ni Mang Ding Race 1 - Batang Arrastre (7) Yosemite (8) Sunshot / Wafu The King (10) Race 2 - Exhilarated(4) Race 3- Rico Mambo (12) Ten Ten Forty (2) Race 4- Cinderella King (1) Easy Landing (2) Race 5 - Surplas Princess (4) Joem’s Gal (1) Race 6- Ava Natalia (3) Niccole Girl (1) Tap Dance/High Grader(2) Race 7 - Lets Dance Zumba/Wessfacol (7) Super Guru (4) Grandox/Undercover (1)
WTA (1-7) = 7-8-10/4/12-2/1-2/1-4/3-1/7-1: Pick 6 (2-7)= 4/12-2/1-2/1-4/3-1/7-1: Pick 5 (3-7)= 12-2/1-2/1-4/3-1/7-1: Pick 4 (4-7)= 1-2/1-4/3-1/7-1.





Comments