Motor sumemplang, sapol | TUMATAWID, DEDBOL SA PULIS
SINASABING sumemplang ang minamanehong motorsiklo ng isang pulis hanggang sa mabangga at mapatay nito ang isang pedestrian sa Parañaque City, kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque si Efren Tibunsay, 47, sanhi ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ginagamot naman sa Uni-Health Medical Center ang rider na pulis na si PO2 Randy Morales y Calumiano, 38, nakatalaga sa Police Community Precinct 3 ng Las Piñas City Police dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa naantalang ulat ng Southern Police District, naganap ang insidente sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, alas-9:30 ng umaga.
Minamaneho ni Morales ang motorsiklo nang mawalan umano ng kontrol sa sasakyan hanggang sa sumemplang at mabangga ang tumatawid na si Tibunsay.
Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang naturang pulis.





Comments