top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kasabay ng 13 month pay at bonus, dagdag-sahod para sa mga guro ng public schools, ibigay!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2018
  • 1 min read

LABIS ang pagkadismaya ng ilang mga guro ng pampublikong paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa dahil hang­gang ngayon ay hindi pa rin napagbi­bigyan ang kanilang hiling na umento sa suweldo.

Matatandaang, matapos doblehin ang sahod ng kapulisan ay hiniling din ng mga guro na taasan ang kanilang suweldo, lalo na ngayong tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaya nagsagawa ang ilang public school teachers ng pagpupulong sa ka­nilang mga eskuwelahan kung saan ma­ging ang mga estudyante ay kasama nilang ipinaglalaban ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan, gayundin ipi­naliliwanag nila na dapat nang dagdagan ang kanilang sahod at allowance.

Sa totoo lang, hindi natin alam kung bakit tila nagtataingang-kawali ang gobyerno pagdating sa kanila, gayung halos araw-araw ang kanilang paghingi ng dagdag-sahod.

Ang nakalulungkot pa rito, wala ng pinipiling edad ang pumapasan sa prob­lema ng bayan dahil kahit na ang mga bata ay mulat na sa mga ito na dapat ay hindi pa nila pinoproblema.

Gayunman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga guro na balang-araw ay tutugunan din ng pamahalaan ang ma­tagal na nilang pakiusap.

Kaya ang panawagan natin sa gob­yerno, kung mayroong maibibigay at alam naman natin karapat-dapat silang bigyan, bakit hindi pa simulan?

‘Yung iba nga r’yan, kahit puro ka­ti­wa­lian, eh, tinaasan, he-he-he!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page