‘Ika nga nila, safety first, besh! TIPS PARA SA SEGURIDAD SA PAGTA-TRAVEL, ALAMIN!

TRAVEL ba ang iyong trip ngayong Holiday Season? Karagdagang tips para sa iyong seguridad sa hotel na tutuluyan, alamin:
1. CHOOSE 3RD OR 6TH FLOOR LEVEL ROOM. Mabuting piliin ang mga kuwarto na nasa 3rd o 6th floor. Hindi inirerekomenda ng mga travel expert na mag-check-in sa ground floor dahil mas mabilis itong mapapasok ng mga kawatan.
Kung may hindi inasahang pangyayari tulad ng sunog, hindi masyadong mataas ang mga lebel na ito upang madaling maabot ng mga rescuer.
2. DO NOT LEAVE YOUR LUGGAGE. Yes, besh, huwag na huwag mong iiwanan ang iyong maleta o iba pang kagamitan hangga’t hindi pa tapos ang proseso ng iyong pagtse-check-in dahil may posibilidad na mapunta sa maling kuwarto ang iyong mga bagahe.
3. ASK FOR HOTEL’S COUPLE OF BUSINESS CARDS. Bago tuluyang mag-tse-check-in, siguraduhing mayroon kang ilang piraso ng business card ng hotel. Maglagay sa iyong bag, wallet at tabi ng telepono.
Maaari itong magamit kapag ikaw ay lalabas at sasakay ng taxi pabalik sa hotel dahil nakalagay dito ang address ng hotel. Magagamit din ang contact number na nakalagay dito kapag ikaw ay may kailangang service.
4. INSPECT THE ROOM. Pagkatapos mag-check-in, mabuting i-check kung ang lock ng mga pinto at bintana ay gumagana.
Siguraduhin din na malinis ang buong kuwarto bago tuluyang mag-unpack at maglabas ng iyong mga kagamitan.
5. KEEP THE DOOR LOCKED. Posible pa ring makalimutan ang gawain na ito. Sanayin ang sarili na mag-lock ng pinto sa tuwing papasok ka sa iyong kuwarto.
Kung may kakatok sa iyong kuwarto, mabuting tumawag ka muna sa receptionist at magtanong kung talaga bang may staff sila na pinapunta para mag-check ng mga kuwarto.
Ayan, mga besh, tandaan mo na hindi porke nasa loob ka ng hotel ay 100% ka nang protektado.
Gawin ang ilang steps na ito upang mas secured ka sa iyong tutuluyan. Okie?
Have a safe trip, beshy!





Comments