top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Bato’, turuang gumawa ng plataporma de-gobyerno, hindi paninipsip

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2018
2 min read

'PLATAPORMA' NI “BATO”, MAGSIPSIP KAY P-DUTERTE — Kung sinuman ang mga adviser ni ret. PNP Gen. Ronald "Bato" dela Rosa dapat ay payuhan nila ito na plataporma de-gobyerno ang ilahad nito sa publiko at hindi ang paninipsip kay P-Duterte.

Mantakin n'yo sa public forum na ginawa ng CNN Philippines para sa senatoriables imbes plataporma de gobyerno ang ihayag ni “Bato”, eh, ang sinabi nito sa publiko ay kaawa-awa na raw si P-Duterte sa pagpapatakbo ng bansa at dahil sa tinuran niyang ‘yan ay na-boo siya ng audience.

Kapag hindi binago ni “Bato” ang kanyang taktika sa politika na ang "plataporma" niya ay paninipsip kay P-Duterte, siguradong laglag siya sa eleksiyon, period!

◘◘◘

P-DUTERTE, 'NGANGA' NA SA WPS; 'NGANGA' RIN SA ILLEGAL CHINESE WORKERS—Matapos ihayag ni P-Duterte na dapat maghinay-hinay ang gobyerno sa pagtrato sa illegal Chinese workers sa Pilipinas ay wala nang ginawang aksiyon ang Bureau of Immigration (BI) para ipa-deport ang libu-libong illegal Chinese workers sa bansa.

Hay naku, wala na ngang ginawang aksiyon si P-Duterte sa pananakop ng China sa WPS pati ba naman sa libu-libong illegal Chinese workers sa bansa ay wala rin siyang aksiyon, buwisit!

◘◘◘

KUNG NAGSIPSIP SI CARPIO KAY P-DUTERTE, SIYA NA SANA ANG CJ—Kung nagsipsip lang si Associate Justice Antonio Carpio kay P-Duterte at dinedma lang niya ang isyung pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS), siguradong siya na ang Chief Justice dahil siya ang pinaka-senior sa lahat ng mga maHistrado ng Supreme Court (SC).

Pero, ‘ika ni Carpio, mas importante sa kanya ang WPS para sa kapakanan ng mga Pinoy kaysa sa posisyong CJ at dahil sa tinuran niyang ‘yan nainis sa kanya si P-Duterte kaya imbes siya ang itinalaga ng pangulo na bagong CJ ay si dating Associate Justice Lucas Bersamin ang napili.

Para kay Carpio, saludo sa’yo ang taumbayan at para naman kay P-Duterte na "tuta" ng China, pwe!

◘◘◘

4 MAYORS SA REGION 4-A, 'NGANGA' SA VK-CON SHABU NINA 'RICO' AT 'BRIGETTE'—Talamak na raw ang bentahan ng shabu sa mga puwesto ng mga video karera ni "Rico" sa Calamba City at Cabuyao City, kapwa sa Laguna at puwesto ng video karera ni "Brigette" sa Batangas City at Lemery, kapwa sa Batangas pero, "nganga" lang daw sa isyung ito sina Calamba City Mayor Timmy Chipeco, Cabuyao City Mayor Rommel Gecolea, Batangas City Mayor Beverley Dimacuha at Lemery Mayor Larry Alilio.

Kung anuman ang dahilan at dedma lang ang apat na alkaldeng ito sa raket nina "Rico" at "Brigette" ay sila-sila na lang ang nakaaalam, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page