Worried sa pakiramdam na mabigat ang mga mata
- BULGAR

- Dec 3, 2018
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Nakararamdam ako ng pagbigat ng mga mata ko at ang sabi sa akin ng doktor ay maa-aring ako raw ay mayro-ong glaucoma. Nais kong malaman kung ano ang sanhi nito at paano ito ginagamot?? — Jenette
Sagot
Ang glaucoma ay isang kondisyon na nagdudulot ng pagkasira sa optic nerves ng mga mata. Ito ay madalas na naiuugnay sa pagtaas ng presyon (intraocular pressure) sa loob ng mga mata.
Kapag tumaas ang presyon, nasisira nito ang optic nerves. Ang optic nerves ang nagpapadala ng mga imahe sa ating utak.
Kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyon sa loob ng mga mata at hindi ito maaagapan ay maaaring magresulta ito sa pagka-bulag.
May dalawang klase ng glaucoma, ang open-angle glaucoma at angle-closure glaucoma.
Ang open-angle glaucoma o tinatawag ding wide-angle glaucoma, ang pinakamadalas na klase ng glaucoma. Ang istruktura ng mga mata ay maaaring mukhang normal ngunit, hindi maayos ang pagdaloy ng likido papunta sa drain ng mga mata.
Karamihan sa mga taong may glaucoma ay walang nararamdamang sintomas sa pag-umpisa ng sakit. Ang madalas na unang senyales nito ay ang pagkawala ng peripheral o side vision.
Ngunit, ito ay napapansin lamang kapag malala na ang sakit. Mataas ang panganib nito sa mga may edad na higit sa 45, may kasaysayan ng glaucoma sa pamilya, may diabetes, nagkaroon na ng mataas na intraocular pressure, nagkaroon na ng pinsala sa mga mata, may nearsightedness (myopia), may farsightedness (hyperopia), gumagamit ng cortisone (steroid) sa mga mata man o systematically (iniinom o iniineksiyon), naninigarilyo at mga may sleep apnea.
Paano ginagamot?
Ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng paggamit ng eyedrops, laser surgery microsurgery.
Ang paggamit ng eyedrops ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pagbawas sa produksiyon ng likido sa mga mata at pagpapabilis sa paglabas nito.
Ang paggamit ng eyedrops regularly ay makatutulong sa pag-iwas o paglala ng glaucoma. Maha-lagang magkaroon ng rou-tine o schedule ang paglala-gay ng eyedrops upang maiwasan na makalimutan ito.
Ang laser surgery para sa glaucoma ay nakatutulong sa pamamagitan ng pagtaas ng outflow ng likido sa open-angle glaucoma o ang pag-alis ng bara sa angle-closure glaucoma. Sa iba, ang glaucoma implant ang pinakamagandang operasyon ngunit, ito ay maaaring magdulot ng panandalian o permanenteng pagkabulag, pagdurugo o impeksiyon.
Gayundin, para sa mga batang ipinanganak na may glaucoma na tinatawag na infant o congenital glaucoma, ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng operasyon dahil sa depektibong drainage system sa mga mata.
Ang pagkakaroon ng glaucoma ay hindi maaaring pigilan ngunit, ang maagang deteksiyon at maagang paggamot nito ay makatutulong sa pagkontrol sa sakit na ito.
Mainam na magkaroon ng balanced diet, kumain ng masusus-tansiyang pagkain, iwasan ang mga matatabang pagkain mga pagkain na mataas ang saturated fat content, salt at sugar, gayundin, ugaliing kumain ng prutas at gulay na high in fiber.




Comments