top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pananagutan sa batas ng taong nag-publish sa social media ng bagay na gawa ng iba

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Ang personal na sulat na ginawa at ibinigay ko para sa aking kaibigan ay piniktyuran at ipinost niya sa kanyang social media account nang hindi nagpaalam sa akin. Tama ba ang ginawa niya? —Tori

Dear Tori,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Article 723 ng Civil Code of the Philippines kung saan sinasabi na: “Article 723. Letters and other private communications in writing are owned by the person to whom they are addressed and delivered, but they cannot be published or disseminated without the consent of the writer or his heirs. However, the court may authorize their publication or dissemination if the public good or the interest of justice so requires.” Ibig sabihin, ang isang tao ay walang karapatang i-publish ang sulat na akda ng iba kahit na ito ay ibinigay sa kanya at kanyang pagmamay-ari na. Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page