top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Iba pang bakuna, 'di dapat katakutan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2018
2 min read

PAGDATING sa kalusugan, sadyang palaging inuuna ng mga magulang ang kanilang mga anak. Hindi na bale sila basta ang mga bata ay malakas at malusog, hindi ba? Kamakailan lamang ay naiulat ang outbreak ng measles saating bansa. Hindi nakagugulat dahil sa naging negatibong epekto ng Dengvaxia scandal sa ating lipunan na ngayon ay hirap nang magtiwala sa dati-rati ay viewed as must have para sa mga bata ang kumpletong bakuna. Ayon sa Department of Health (DOH), sadyang bumabaang rate ng vaccination sa ating bansa. Mantakin ninyo, nasa 60 porsiyento lamang ang mga batang nakakukuha ng sapat na bakuna sa tamang panahon na dapat i-administer ang mgaito. Malayo sa 85-90 porsiyentong target ng ahensiya. Mababa rin ang porsiyento ng mga batang nakatanggap na ngkumpletong coverage ng bakuna. Marahil, sa takot dahil sa mga naiulat noong kasagsagan ng trial sa Dengvaxia case noong nakaraang taon ang nagtulak sa mga magulang na huwag nang magtiwala sa bakuna. Nakalulungkot na bagay ito dahil unti-unti nating sinisira ang herd immunity that we’ve built over the years. To simplify, ang herd immunity ang proteksiyong naibibigay ng komunidad na kumpleto sa bakuna sa mgasanggol at batang maaaring wala o hindi pa kumpleto ang bakuna. Dahil wala sa lugar nila ang magkakaroon ng sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna ay ligtas sila bagama't, hindi pa sila protektado sa nasabing sakit. Sa hindi natin pagpapabakuna, we slowly chip away our herd immunity. And when someone in the community develops an illness, those susceptible to it will likely get it as well dahil napasok na ng sakit ang komunidad. We find this incredibly sad dahil maaari sanang maiwasan ang mga sakit na covered ng bakuna tulad ng measles. Ang measles ay isa sa tatlong sakit na covered ng MMR (measles, mumps and rubella) vaccine na ibinibigay sa 12-23rd at 24-35th months ng bata. Sa ngayon, aabot na sa isang barangay sa Taguig, Negros Oriental, Zamboanga City, DavaoRegion at Davao City. May under observation pang posibleng measles outbreak din sa Sarangani Province. Nakalulungkot dahil nagkakaganito na tayo ngayon. Mulasa mas ligtas at maayos na estado ay nagugulo tayo atnalalagay sa panganib ang buhay ng ating mga anak. Kaya panalangin nating mas maraming mga magulangang maliwanagan at bigyan ng sapat na bakuna ang kanilang mga anak. Ito ay proteksiyon nila at ng ating komunidad laban sa mga sakit na dapat ay maiiwasan na natin in this dayand age. Magtulungan sana tayo upang unti-unti ay maiangat angantas ng proteksiyon ng ating lipunan laban sa sakit, lalo na at magpa-Pasko pa naman.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihinging tulong? Sumulat sa SERBISYONG TUNAYni Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa serbisyongtunay.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page