top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Eh, di wow! MGA ARTISTANG ATTACHE CASE NG DATUNG ANG BITBIT 'PAG GUMIGIMIK, KILALANIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 1 min read

EWAN kung bakit bigla naming naalala ang ilang showbiz celebrities na kapag dumadalo sa mga events o gumigimik at nagsasaya, eh, attaché case ang bitbit na punumpuno ng datung!

Hindi pa uso noon ang pabonggahan ng outfits, ng LV at Hermes bags and shoes para masabi lang na sosyal at yayamanin ang isang artista.

Hindi rin naging status symbol ang pagbibiyahe abroad o ang pamamasyal sa mga pang-richie-richie na resorts tulad ng Balesin Island, Maldives, Bali, atbp. na dinarayo ng mga celebrities.

Wala pa rin noon ang pabonggahan ng mansiyon. Pero, may kompetisyon na sa pagandahan ng car. Mas mahal ang kotse, mas sikat. Pero, saksi kami at na-shocked noong na-meet namin sa isang disco si Alona Alegre na super sexy at super-sikat noong early 80’s.

Kasama niya ang ilang kaibigang press at nag-blow-out sa isang sikat na disco. Isang attaché case na puno ng mga bagung-bagong datung na tig-P1 thou ang bitbit ni Alona para gastusin lang sa disco.

Ganu’n din ang nakita na-experience namin kay Barbara Luna na noon ay sikat na sexy actress-movie producer — attaché case rin ang bitbit kapag gumigimik.

At si Cherry Cobarrubias (mommy ni Shyr Valdez) noong nagpo-promote ng pelikulang Bulaklak ng City Jail, may bitbit ding attaché case.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page