DALAGITANG DEHINS KNOWS KUNG PAANO AALAGAAN ANG SARILI MATAPOS IWANAN NG NANAY NA SUMAMA SA IBANG LA
- ROMA AMOR
- Dec 3, 2018
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Charita, 16years old. Sa ngayon ay mag-isa na lang ako sa buhay dahil tuluyan na akong inabandona ng aking mga magulang. Sa totoo lang, sobrang sama ng loob ko sa mama ko kasi akala ko siya na ang makakasama ko, habambuhay dahil iniwan na kami ni papa bago pa lang ako isinilang. Pero, mali pala ako ru’n dahil si mama

ay sumama na rin sa ibang lalaki. Iniwanan naman ako ni mama ng malaking halaga ng pera at may bahay din akong tinutuluyan ngayon na nasa akin ang titulo. Gusto kong humingi ng payo sa inyo, kung paano ba ako magsisimula? Sana, matulungan ninyo ako. — Charita
Charita,
Charita, Masakit man isipin, pero sa panahon ngayon ay hindi na talaga maiiwasan ang mga ganyang pangyayari sa buhay at wala itong pinipiling edad o kasarian. Ang nais naming ipayo sa iyo ay humingi ka ng tulong sa taong alam mong mapagkakatiwalaan mo at huwag du’n sa mga alam mong lolokohin at peperahan ka lang. Kahit na bata ka pa, dapat ay maging matalino ka sa pagdedesisyon lalo na ngayong mag-isa ka na lang sa buhay. Alam naming kakayanin mo ‘yan,sis, laban lang. Okay? Godbless you!





Comments