top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GM SO, FINALIST NA SA ESPORTS WORLD SPEED CHESS C’SHIPS

Eddie M. Paez, Jr
Dec 2, 2018
1 min read

SUMIBAD si Pinoy Grandmaster Wesley So sa finals ng 2018 World Speed Chess Champion­ships matapos daigin si Jan Krzysztof Duda ng Poland, 20.0 - 7.0, sa ka­kaibang torneo ng mabi­lisang ahedres na gina­ganap “online” at tinata­wag ding eSports Brac­ket.

Itinuturing na giant-killer ang Polish ace dahil nakarating ito sa final 4 sa pamamagitan ng paninilat sa mga batikang pambato ng Russia na sina GM Sergey Karjakin (13.0 - 11.0) at GM Alexander Grischuk (14.0 - 13.0).

Kung tutuusin ay ba­hagyang pinapaboran ng mga tagamasid si Duda para mangibabaw kontra sa tubong-Cavite na wood­pusher sa isang close fight. Pero hindi inintindi ni So ang pananaw ng mga mi­ron at madaling idinis­patsa ang karibal mula sa Poland.

Habang inihahanda ang artikulong ito ay kasalukuyan pang nagla­laban sina GM Hikaru Nakamura ng United States Chess Federation at Armenian GM Levon Aronian para malaman kung sino ang makasa­sagupa ng 25-anyos na Pinoy para sa korona.

Nasa pangalawang puwesto sa FIDE ranking si Nakamura, topseed ng torneo, sa rapid chess dala ang kanyang 2844 na ra­ting samantalang naka­upo sina So (rating: 2808) at ang 2017 FIDE World Cup king na si Aronian (rating: 2802) sa pang-anim at pampitong baitang ayon sa pagkakasunod-sunod.

Sa Blitz world stan­ding naman, pangatlo si Nakamura, pang-apat si Aronian at pang-12 si So.

Nauna rito, inilampaso ni So ang Intsik na si GM Wei Yi, 18.5 - 9.5 sa kan­yang unang serye bago niya tinuruan ng leksyon si Indian GM Vidit Gu­jarathi, 16.5 - 10.5, sa quar­terfinal na duwelo para makarating sa semifinals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page