Utos ng DepEd | BONGGANG CHRISTMAS PARTY, BAWAL
- BULGAR

- Dec 1, 2018
- 1 min read

BINIGYANG-DIIN ng Department of Education (DepEd)-Region 12 na dapat gawing simple at makabuluhan ang Pasko.
Sa isang panayam kay DepEd 12 Spokesperson Anton Maganto, Jr., muling pinaalalahanan nito ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na sumunod sa DepEd Order No. 114 na nag-uutos na gawing boluntaryo ang kontribusyon ng mga estudyante lalo na sa pagsasagawa ng Christmas Party.
Mas mainam din umano na sa loob na lamang ng paaralan gawin ang selebrasyon upang makatipid at matiyak ang seguridad ng mga estudyante at mga empleyado ng paaralan. (BRT)





Comments