top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa mga may hinahabol na deadlines diyan, read n‘yo ‘to, dali! MGA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG CRA

  • No Problem
  • Dec 1, 2018
  • 1 min read

MADALAS ka bang maghabol sa deadlines o ang deadlines ang humahabol sa’yo? Naku, hindi healthy ‘yan, beshy. Kaya na­rito na ang ilang tips para sa inyo upang maiwasan ang cram­ming:

1. CREATE A “TO DO” LIST. Mabuting ilis­ta ang lahat ng dapat mong gawin nang sa gayun ay wala kang ma­kaligtaan. Hindi pu­we­de ang “ba­hala na si Bat­man” dahil ang dapat na mamahala sa iyong mga gawain ay ikaw.

He-he-he!

2. START WITH LITTLE STEPS. Isa sa mga dahilan kung bakit madalas mag-cram ang karamihan ay dahil sa mindset na “mamaya na, madali lang naman ‘yan”. Maaari kang gu­mawa ng ilang maliliit na hakbang sa iba’t ibang gawain mo. Tandaan, “small progress is still a progress”.

3. CREATE A DE­TAILED TIMELINE. Sa paggawa nito, mabuting i-prioritize mo ang mga bagay na mauuna ang deadline. Sa ganitong paraan, mas mamo-mo­nitor mo kung ano ang mga nagawa mo na at kailangan mo pang ga­win sa mga susunod na araw.

4. CHANGE YOUR ENVIRONMENT. Isa rin sa mga dahilan kung bakit tayo tinatamad ay dahil nasa iisang lugar lang tayo. Ayon sa mga eksperto, mas nagiging productive umano ang tao kapag sa ibang lugar nito ginagawa ang mga kaila­ngan niyang ta­pu­sin.

5. STAY POSITIVE. Ito ang kadalasang na­kalilimutan ng mga mag-aaral at empleyado, kaya madalas silang nawa­walan ng motibasyon upang magtrabaho.

Oh, ayan, mga bro at sis, alam n‘yo na ang gagawin ninyo upang hindi kayo magahol sa inyong deadlines sa school o trabaho.

Tan­daan, think po­sitive. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page