top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Panawagan sa gobyerno, mga pulis na hindi natatakot sa paggawa ng katiwalian, sibakin sa puwesto!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2018
  • 2 min read

KASABAY ng hatol na guilty sa tat­long pulis sa pagpatay sa 17-anyos na binatilyo na si Kian Loyd delos Santos dahil umano sa kinasasangkutan nitong iligal na droga, umamin na rin ang pi­tong pulis na miyembro ng Las Piñas City Police na inireklamo ng robbery extor­tion at serious illegal detention.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guil­lermo Eleazar, aminado umano ang mga pulis sa kanilang pagkakasala at nagbigay pa umano ang mga ito ng dahilan kung bakit nila pinasok ang iligal na aktibidad ngunit, hindi pa rin ito makatwiran dahil sa kamay ng batas hindi sila makalulusot at dapat nila itong pagbayaran.

Dagdag pa ni Gen. Eleazar, kusang sumuko ang pito matapos silang sam­pahan ng patung-patong na kaso.

Kaya tiniyak ng NCRPO na tututu­kan nila ang kaso upang matiyak na mapananagot ang mga ito hanggang sa tuluyan na silang matanggal sa pu­westo.

Gayunman, hiling natin sa gobyerno na huwag lang sana ngayon o sa umpisa lang aksiyunan ang pagpapanagot sa batas ng sinumang gumagawa at ga­gawa pa ng iba’t ibang klase ng kati­walian.

Bagkus, gawin ito hanggang sa ma­katakas na ang bansa sa mga kamay ng mga mapang-abuso.

Sa ngayon, sadyang nakababahala na ang paglaganap ng mga scalawag, ‘yung malapit ng matapos ang 2018, pero imbes na umimpis ang bilang nila, tila lalo pa yatang lumolobo — grabe, grabe!

Kaya paalala sa lahat, hangga’t hindi pa nauubos ang mga ‘yan, tayo muna ang mag-ingat!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page