top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Movie, kaya di na kinagat ng netizens… SHARON AT GOMA, MASYONDA NA, WALA NANG KILIG

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2018
2 min read

HINDI naman movie ni Kathryn Bernardo ang Three Words to Forever dahil comeback film ito ng tambalan nina Megastar Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Pero tulad ng inasahan na namin, ayan na nga, kay Kathryn ibinabagsak ang pressure at sisi dahil sa first day gross ng movie na kumita lang ng P6.5 million nationwide.

Ikinumpara ito ng ilang netizens sa kinita ng Unexpectedly Yours na umabot nang P14 million sa first day kung saan bida rito sina Sharon at Robin Padilla at tampok din ang love team nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Dahil hindi man lang umabot sa P10 M ang opening gross ng Three Words to Forever, hinuhusgahan ngayon ng ilang netizens at bashers si Kathryn na hindi raw talaga kayang mag-handle ng movie nang solo.

Big hit at nagba-box office lang daw ang pelikula nito kapag kasama ang on and off screen love team na si Daniel Padilla.

May nagsasabi ring hindi maganda at hindi nakatulong sa image ni Kathryn ang naturang movie dahil nagkaroon siya ngayon ng tatak at bansag na “LAOS Queen” at “FLOPSINA Queen”.

Pero depensa naman ng ilang fans ni Kathryn, mabuti nga raw at sinuportahan pa rin ng ilang KathNiel fans ang movie kahit wala si DJ dahil kung hindi, baka ni hindi pa raw umabot sa P5 million ang comeback movie nina Sharon at Goma.

Bukod daw kasi sa wala nang kilig factor ang Goma-Sharon love team, mabigat ang tema ng Three Words to Forever kaya hindi masyadong bet ng mga millennial at young generation na mahilig manood ng sine.

Well, first day pa lang naman, malay natin, sumipa pa sa takilya ang pelikula lalo kung magaganda ang reviews at feedback ng mga nakapanood.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page