top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga bagets ang suki | FACTORY WORKER NA TULAK, HULI

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2018
1 min read

ARESTADO ang isang 29-anyos na lalaki matapos mabilhan ng iligal na droga ng mga operatiba sa isang buy-bust operation sa Davao City.

Narekober mula sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu at isang pakete ng dahon ng marijuana.

Talamak umano ang operasyon ng suspek, partikular sa Agdao area kaya nagkasa ng operasyon ang awtoridad laban sa kanya.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang at aniya, nagtatrabaho siya nang maayos upang makatulong sa gastusin sa kanilang pamilya.

Samantala, napag-alamang mga kabataan ang kadalasang bumibili ng iligal na droga sa suspek. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page