top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MAY BOXING SA TOKYO O WALA NANG AIBA?

Eddie M. Paez, Jr
Dec 1, 2018
1 min read

BINABALANGKAS na ng International Olym­pic Committee (IOC) ang mga detalye ng magiging landas nito para mawala sa eksena ang International Boxing Association (AIBA) bilang organizer kapag gina­nap na ang boxing tour­nament sa 2020 Tokyo Olympics.

Bagamat nakikiram­dam sa posibleng mga balakid na legal, isa sa mga alternatibong tini­ting­nan ng IOC ay ang pagbuo o pagbibigay ng kapangyarihan sa isang grupo upang i-organisa ang bakbakan ng mga simonpures sa loob ng ring sa Olympiada sa Japan halos wala nang dalawang taon mula ngayon.

Napaulat namang nangako ng suporta ang World Boxing Associa­tion (WBA) at World Boxing Council (WBC) sa mga galaw na tutulong upang siguruhin ang pag­kakaroon ng boxing tilt sa nabanggit na lungsod sa Asya sa 2020.

Nauna rito, nagba­bala ang IOC na kung mahahalal si Gafur Rak­himov ng Uzbekistan bilang presidente, ma­tatanggalan ng accredi­ta­tion ang AIBA.

Ilang kadahilanan ang lumutang pero si­nasabing ang ugat ng banta ay ang diumano ay pagkakasangkot ng Uzbek sa mga ilegal na aktibidades at krimen.

Kamakailan din ay lu­mutang ang pagkaka­sara ng isang Swiss bank account ng AIBA dahil sa tinagurian nitong “re­putational risk”.

Hindi natinag ang karamihan ng boxing associations at iniluklok pa rin si Rakhimov sa pi­nakamataas na upuan ng AIBA nang kuman­didato ito kontra kay Kha­zak Serik Konakba­yev.

Isa ang boxing sa mga sinasandalan ng bansa bilang huhugu­tan ng karangalan pag­dating sa international compe­titions at anuman ang mangyayari sa siga­lot na IOC-AIBA ay tiyak na susubaybayan ng box­­ing officials ng Pili­pinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page