top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kelot nag-dive sa pool, tigok

Jeff Tumbado
Dec 1, 2018
1 min read

DEDO ang isang turistang Koreano makaraang mabagok ang ulo nang mag-dive sa swimming pool habang naliligo sa isang resort sa Station 2 sa Boracay.

Nadala pa sa ospital ang 29-anyos na si Chao Jeasok subalit, sa tindi ng pinsala na tinamo sa ulo nito ay binawian din ito ng buhay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkayayaan si Chao at kapatid nitong babae na maligo sa Villa Sunset Resort, pero bago lumangoy ay uminom muna ng isang bote ng beer ang biktima.

Sinasabing nag-dive ang Koreano sa mababaw na pool na may lalim na apat hanggang limang talampakan at tumama ang kanyang noo sa sementadong sahig ng swimming pool.

Napansin pa umano ng security guard ang pag-dive ng turista, ngunit, makalipas ang tatlong minuto ay hindi pa ito umaahon kaya sinubukan pa siyang sagipin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page