Hindi lang daw ito dapat isinusuot tuwing aalis...PAGSUSUOT NG MEDYAS HABANG NATUTULOG, GOOD SA HEAL


MAHILIG ka bang magsuot ng sapatos, lodi? Good ‘yan, pero knows ba ninyong hindi lang tuwing aalis tayo dapat magsuot ng medyas? Ito ay dahil ayon sa mga eksperto, ang pagsusuot ng medyas habang natutulog ay good sa health!
Wow!
Para mas maintindihan natin ang kahalagahan ng pagsusuot ng medyas, dapat ay maintindihan muna natin kung paano gumagana ang “thermoregulation”.
Ito ay human endotherms na nagre-regulate sa ating body temperature kung saan mayroon itong nagiging epekto kung paano gumagana ang ating utak.
Gayunman, ayon sa mga eksperto, dapat daw umanong nakararamdam tayo ng normal na temperatura araw-araw dahil nakatutulong ito upang maging maayos ang daloy ng ating dugo.
Kaya naman bukod sa mga solusyong medikal, ipinayo ng mga dalubhasa na gumamit tayo ng medyas tuwing matutulog.
Anila, nakatutulong ang pagsusuot ng medyas sa gabi dahil nakape-prevent ito ng dryness, colds, cough at flu.
Dagdag pa rito, sa pag-aaral mula sa traditional Chinese medicine, ang pagsusuot ng medyas ay nakapo-promote raw ng positive energy flow.
Kaya kung medyo wala tayo sa mood, bukod sa pagkain ng tsokolate, maaari rin natin itong gawin.
Para naman sa mga nawawalan ng libido, knows ba ninyong ang pagsusuot ng medyas ay nakai-increase na tsansa ng orgasm ng 30 porsiyento, ayon sa University of Groningen?
Ito ay dahil sa warmth na ating nararamdaman tuwing isinusuot natin ito.
Alam n’yo na, mga beshy, bumili na kayo ng magandang pares ng medyas!
Okie? Para sa mas health na body! Hi-hi-hi!





Comments