Dagdag-tax sa gas, pag-aaralan ni P-Duterte — palasyo
- Mylene Alfonso
- Dec 1, 2018
- 1 min read

PAG-AARALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng kanyang economic managers na ituloy ang implementasyon para sa ikalawang yugto ng dagdag na buwis sa produktong petrolyo sa susunod na taon.
“The president is studying the latest recommendation,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ang desisyon umano ng pangulo ay laging nakabase sa pambansang interes at kapakanan ng taumbayan.
Kaugnay nito, maghintay-hintay muna aniya ang publiko kung ano ang magiging pasya ng Punong Ehekutibo.
“Due regard, however, must also be given to the dictates stipulated under the law, which only the Congress can modify,” ani Panelo.
Matatandaang, nilagdaan ni P-Duterte noong Disyembre ng nakaraang taon ang Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagpataw ng halagang P2.50 kada litro ng excise tax sa diesel at P7 kada litro para sa gasolina.
Batay din sa ilalim ng batas, aabot sa kabuuang P4.50 ang dagdag na buwis sa diesel at P9 sa gasolina sa taong 2019 kapag itinuloy ang ikalawang round ng TRAIN Law.





Comments