BOLICK AT PEREZ, NASA TOP 3 NG PBA DRAFT

PORMAL nang isinumite ni Robert Bolick ang kanyang pangalan sa PBA Rookie Draft na itatanghal sa Disyembre 16 bukod sa nauna sa kanyang si Bobby Ray Parks. Unang ipinasa ni Parks ang papeles at sumunod si Bolick upang gawing pormal ang kanilang pagpasok sa PBA draft. Ang dalawang manlalaro kasama si CJ Perez ng Lyceum ay inaasahang papasok sa top three ng draft ngayong darating na buwan.
Galing sa pangatlong sunod na titulo sa NCAA si Bolick nang dalhin niya ang San Beda sa korona ngayong taon. Kasama ring nagpasumite ng kanilang requirements para sa draft sina Bong Quinto ng Letran, Abu Tratter ng La Salle, at JP Calvo ng Letran.
Matagal nang hinihintay ang pagpasok ni Parks sa PBA. Naglaro si Parks sa National University sa UAAP kung saan nanalo siya ng Most Valuable Player noong 2011 at 2012. Sumubok si Parks na pumasok sa NBA matapos maglaro sa Dallas Mavericks sa NBA Summer League noong 2015 at sa Texas Legends sa NBA D-League noong 2016.





Comments