Aplikasyon para sa election gun ban, start na — comelec
- Madel Moratillo
- Dec 1, 2018
- 1 min read

NAGPULONG ang ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kabilang ang Law Department ng ahensiya at Philippine National Police (PNP).
Kaugnay ito sa pagsisimula ngayong araw ng panahon ng aplikasyon para sa election gun ban.
Ito ay para mabigyan ng exemption ang sinumang nagnanais makapagdala ng armas sa panahon ng gun ban na una nang itinakda ng Comelec sa January 13 hanggang June 12, 2019.
Samantala, daraan pa sa mahigpit na pag-aaral ng Comelec sa pangunguna ni Commissioner Al Parreno ang mga aplikasyon kung aaprubahan o hindi.





Comments