top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alang-alang sa kabataan, kasaysayan dapat nang ayusin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2018
  • 1 min read

ISINUSULONG na maging unang pangulo ng Republika ng Pilipinas si Gat Andres Bonifacio.

Andres Bonifacio po, hindi Marcial Bonifacio!

◘◘◘

ISA tayo na kumakatig sa naturang panukala.

Ang Revolutionary Government mula sa pormal na pamumuno ni Bonifacio ang nagsulong ng pagkakatatag ng Unang Republika.

‘Yun nga lang, nakudeta ni Aguinaldo!

◘◘◘

DAPAT nang ayusin ang kasaysayan.

Hindi pa huli ang lahat, dapat itong maunawaan ng kabataan!

◘◘◘

BUMABABA na ang presyo ng petrolyo.

Pwes, ipatutupad din ang TRAIN Law2.

Ngek!

◘◘◘

TULUYAN nang pinalaya si Madame Meldy sa epekto ng piyansa.

Klap! Klap! Klap!

◘◘◘

DESIDIDO ang U.S. at mga kaalyadong bansa na manatili sa malayang pagbibiyahe sa West Philippine Sea.

Sila ang magpapatupad sa desisyon ng Arbitral Tribunal.

Hintayin natin ang digmaan!

◘◘◘

DOBLE-kayod ang pulisya sa pagsugpo sa illegal drugs.

Naka-level-up na ini!

◘◘◘

SINO kaya ang ipapalit kay Jess Dureza bilang hepe ng peace panel?

Tiyak na taga-Davao ulit!

◘◘◘

MARAMI nang taga-Visayas ang naitalaga sa gobyerno.

Isang tao na lang ang nalilimutan ni P-Digong na italaga sa Malacañang.

Matagal nang naghihintay ng appointment si Amay Bisaya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page