top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 parking boys huli sa aktong nagsa-shabu, kulong

Mylene Alfonso
Dec 1, 2018
1 min read

INARESTO ng lady kagawad ang dalawang la­laki na nagpa-pot ses­sion sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Michael, 19, at Vin­cent Magdael, 28, kapwa parking boys.

Ayon kay Kagawad Lei­lanie Castello, naka­tanggap siya ng impor­mas­yon ka­ugnay sa naga­ganap na pot session sa isang bahay, apat na metro ang layo sa baran­gay hall.

Nabatid na duty offi­cer umano si Castello kaya bini­repika niya ang impormas­yon.

Sa butas ng nasabing bahay, nakita sa akto na bu­mabatak ng shabu ang da­lawang suspek.

Wala umanong tanod nang oras na ‘yun kaya mag-isang sumalakay si Cas­tello gamit ang wooden truncheon at puwer­sa­hang binuksan ang bahay kung saan hindi na­man pumalag ang dalawang suspek.

Kasunod nito, nag­radyo siya sa AH Lacson Police Community Pre­cinct at ipi­na­dala ang mga suspek sa mga rumes­pondeng pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page