top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 beses binaril sa ulo | NEGOSYANTE TODAS SA RIDING-IN-TANDEM

Maeng Santos
Dec 1, 2018
1 min read

ISANG 52-anyos na negosyante ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Navotas City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Domingo Panganiban, ng Bgy. North Bay Boulevard South.

Ayon kay Navotas Police Deputy Chief for Operation Chief Insp. Ilustre Mendoza, alas-8:45 ng umaga, nakaupo ang biktima sa driver’s seat ng kanyang delivery Ford Fierra sa harap ng isang tindahan habang nagbababa ng mga bote ng beer na walang laman ang kanyang helper na si Romeo Almendras, 35, nang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at dalawang beses na binaril sa ulo si Panganiban.

Kabilang sa tinitingnang anggulo ng mga pulis na posibleng motibo sa insidente ay ang tunggalian sa negosyo at personal na alitan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page