top of page
Pokwang.jpg

Teacher na dehins alam ang gagawin nang amining type siya ng kanyang estudyante

ROMA AMOR
Nov 30, 2018
1 min read

Dear Roma,

Ako si Nica, 29 years old at nagtatrabaho bi­lang college instructor. Okay naman ang traba­ho ko dahil ito ang gusto kong gawin. Kaya lang, may isa akong estud­yante na nagtapat ng nararamdaman niya para sa akin at gusto niya na raw akong li­gawan. Binalaan ko siya tungkol sa student-pro­fessor relationship rule sa paaralan, pero handa raw siyang mag-transfer sa ibang school para hin­di maapektuhan ang trabaho ko. Sa totoo lang, mula nu’ng nag­tapat siya sa akin, pa­kiramdam ko ay nagu­gustuhan ko na rin siya. Roma, ano ang dapat kong gawin? Maraming salamat! — Nica

Nica,

Kung nagugustuhan mo na ang lalaking nag­tapat sa’yo at handa si­yang magsakripisyo para sa magiging relasyon ninyo, eh, di i-go mo na ‘yan, sis! Basta ang pa­alala namin sa inyo, pa­tuloy ninyong sundin ang mga batas sa insti­tusyon na kinabibilangan ninyo. Kung sakali mang papa­yag ka sa panli­ligaw niya at magiging kayo, hiling namin na ma­ging maayos at masaya ang in­yong magiging re­lasyon. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page