top of page

Iba’t ibang dahilan ng pagkakaroon ng balakubak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2018
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 19 years old at problema ko ang anit kong may balakubak. Ang kati nito at kapag kinamot ko aymaraming nalalaglag na puti-puti. Ano ba ang sanhi ng pagkakaroon nito at nakahahawa ba ito? — Mary Joy

Sagot Ang balakubak o dandruff ay isang uri ng kalagayan na ang balat na nasa anit ay nagbabalat at nagtutuklap. Ang pagbabalat at panunuklap na ito ay dahil sa mabilis na proseso sa pagkamatay ng balat na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga tuklap-tuklap na kulay puti (mga flake dahil sa proseso ng flaking) at nalalaglag papunta sa mga buhok. Ang balakubak ay hindi sakit na nakahahawa. Karaniwan ang pagkakaroon ng balakubak sa mga taong nasa kanilang kabataan, partikular na ang mga nagdadalaga. nagbibinata at mga taong malapit na sa pagiging 20 ang edad.

Maraming maaaring sanhi ng pagkakaroon ng balakubak. Ang balakubak ay mayroong kaugnayan sa kondisyon sa pagkakaroon ng seborrheic dermatitis na pagiging malangis ng balat at pagtutuklap ng hindi lamang nangyayari sa anit at buhok, bagkus ay mayroon din sa ilong, mga kilay at iba pang mga bahagi ng katawan. Maaaring magdulot ng balakubak ang fungus na

malassezia, gayundin ang mga produktong ginagamit natin sa ating mga buhok tulad ng labis na paggamit ng hairspray, gel, mousse, shampoo, at conditioner. Ang pagiging balisa o stressed ay maaari ring makapagdulot ng kalagayan ng pagbabalakubak. Kung sa tingin natin na sa gamit nating shampoo ang dahilan ng balakubak, subukan nating gumamit ng ibang brand at mayroon ding anti -dandruff shampoo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page