top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GILAS, FAJARDO VS. KAZAKHSTAN, MASUSUBOK SA FIBA QUALIFIERS

Alvin Olivar
Nov 30, 2018
2 min read

MAKARAAN ang ilang buwan na pahinga at pagpapagamot dahil sa injury, makapaglalaro na muli si JuneMar Fajardo sa Gilas Pilipinas laban sa Kazakhstan. Abangers tayo sa resulta.

MAGHAHARAP ang Gilas Pilipinas at Kazakhstan mamayang gabi sa pagpapatuloy ng FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers sa Mall of Asia Arena.

Magsasagupa ang Gilas at Kazakhstan ng 7:30 p.m. Hawak ng Gilas ang 5-3 na kartada para sa pangatlong puwesto habang nasa panlima ang Kazakhstan na may 3-5 na kartada.

Kahit pa mas maganda ang kartada ng Gilas ay ayaw ni head coach Yeng Guiao na magpabaya para sa kanilang laro na masasabing importante sa kanilang hangad na makapasok sa 2019 FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa China.

Matatandaang tinalo ng Gilas Pilipinas ang Kazakhstan, 96-59, sa nakaraang 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia. Ngunit para kay Guiao, hindi pa rin magiging madali ang kanilang laban kontra sa Kazakhstan.

“We will be in trouble if their three-point shooting is on target. ‘Yun ang pinakamalaking worry ko. We must defend their three-point shots because their guards are deadly three-point shooters. If you give them a small window, they can shoot. Tinalo natin sila sa Asian Games because we played suffocating defense. Kung hindi natin mauulit ‘yun, tayo ang masu-suffocate kapag ganu’n ang nangyari,” saad ni Guiao.

Hindi naman alintana ni Guiao ang 1-3 na kartada ng koponan sa apat na tune-up games na ginanap sa kanilang preparasyon para sa fifth FIBA World Cup window.

“Siguro sapat na ‘yun para ma-familiarize natin sarili natin sa mga ginagawa ng Kazakhstan both on offense and defense. These are the games that will really matter. Ito ‘yung mga importanteng laro na we will be judged in the next few days,” sambit ni Guiao.

Inaasahang pangungunahan ni Anton Bykov ang Kazakhstan matapos umiskor ng 13 points sa kanilang laro kontra sa Gilas Pilipinas sa Asian Games.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page