top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gat Andres Bonifacio, unang biktima ng maruming politika sa bansa, hmmm…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2018
2 min read

ARAW ngayon ni Gat Andres Bonifacio.

Siya ang unang biktima ng maruming politika sa Pilipinas!

◘◘◘

HINDI nagbabago ang politika sa Pilipinas.

Mula nang itatag ang gobyerno, hanggang ngayon, dayaan pa rin ang pagpili ng pangulo!

◘◘◘

NAAAGRABIYADO palagi ang mga anak-pawis.

Ang mga ilustrado at mayayaman ay palaging nakokontrol ang gobyerno.

Ang mga walang salapi at obrero ay imposibleng maging pangulo ng bansa!

◘◘◘

ISANG karaniwang pagkukulang ni Ka Andres ay ang pagiging masyadong emosyunal.

Ibinibisto niya ang kanyang baraha at ibinubulalas ang galit.

‘Yun, tinodas siya dahil duma­mi ang kanyang aktuwal na kaaway sa sarili niyang hanay!

◘◘◘

MARAMI ang nagtatanong, paano kokontrolin ang emosyon?

Sabi ng mga saykologo, ang mga tao na nagtitimpi at nakokontrol ang emosyon ay siyang magtatagumpay.

Ayon din sa ilang psychologist, hindi dapat gamitin ang emosyon sa pagde­desisyon dahil maaaring magkamali at mapariwara!

◘◘◘

SA kabilang panig, ano ba ang dapat umiral bilang tao, ang emosyon o ang isip?

Sabi ng mga nagdudunung-dunungan, dapat daw umiral ang isip imbes na ang puso.

Tama ‘yan kung ang pag-uusapan ay tagumpay na material!

◘◘◘

PERO, dapat ay bigyan ng depinisyon ang tunay na kahulugan ng “tagumpay”.

Karaniwang ikinakapit ang tagumpay sa pag-angat sa material na bagay o ang pagpapaka­busog sa “ego” o “yabang” ng tao!

◘◘◘

SA ilang aklat, sinasabing ang paggamit ng isip ay hindi siyang tunay na karakter sa pagiging tao, bagkus, ‘yan ay pagiging robot.

Ang tunay at ganap na tao ay ang “paggamit ng emosyon”.

Ang tunay na tagumpay ay ang pagiging ganap na maligaya at payapa kahit walang mga “material na bagay na kanyang pag-aari.

◘◘◘

DAHIL diyan, ang poverty o kaka­pusan ng mga material na bagay ay hindi batayan ng problema sa lipunan.

Sapagkat ang masayang pamilya at lipunan ay hindi nasusukat sa mga material na bagay!

◘◘◘

ANG mga nasa pamahalaan ay mga taong nahalal lamang dahil sa dami ng salapi, pero hindi dahil sa maayos na pag-iisip.

Karaniwang kapos ng talino at karanasan sa buhay ang mga may kontrol sa gobyerno.

Dahil diyan, mali ang mga desisyon at batas na ipinatutupad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page