Sermon wa’ ‘wenta, ‘wag nang magsimba — Duterte | RESBAK NG CBCP: ‘WAG FEELING DIYOS

KINONDENA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumigil na sa pagpunta sa Simbahan ang mga Katoliko at magtayo na lang ng chapel sa bahay.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, pinuno ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People, iresponsable at walang puso ang sinabi ng pangulo.
Ang pahayag aniya ng pangulo ay walang saysay na naghahati sa mga tao at nagreresulta sa maling relihiyon. Iginiit nito na laging iginagalang ng Diyos ang desisyon ng mga tao at walang sinuman na dapat kumilos na parang Diyos.“Even our God is so understanding and compassionate. Our God respects our free will and decision. And so no one is not god, nor more than God to dictate our religious rights. Anyone who even holds the highest position in the land should never play like God, for it will just lead to disaster to all and disgrace of himself,” dagdag pa nito.





Comments