top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Duterte, humirit sa mga Pinoy na respetuhin ang mga Intsik, kahit nang-aagaw ng trabaho?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2018
  • 2 min read

DAPAT MAG-INGAT SI BISHOP DAVID—Malayo sa katotohanan ang satsat ni P-Duterte na nagpapabili raw ng droga si Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David kasi alagad ito ng Diyos at hindi ito adik o pusher.

Kahit paninira lang ang panibagong banat ni P-Du­terte kay Bishop David, dapat mag-ingat pa rin ang Obispo upang hindi siya matulad sa ibang isinangkot ng pangulo sa droga na matapos isangkot ay nabalita na lang na “nanlaban”, nilikida ng riding-in-tandem at tinarget ng sniper, hu-hu-hu!

◘◘◘

P-DUTERTE, TODO-RESPETO SA MGA CHINESE AT TODO-PAGMUMURA SA MGA KATOLI­KONG PINOY—Ayon kay P-Duterte, dapat daw maging maingat ang trato ng publiko sa mga illegal Chinese worker na nabulgar na nagtatrabaho sa bansa.

Iyan ang pangulo ng Pilipinas, sobra ang paggalang sa mga Chinese na kahit inagawan na ng trabaho ang mga Pinoy ng mga illegal Chinese worker ay nagpapakita pa rin siya ng respeto sa mga ito, pero pagdating sa mga Katolikong Pinoy, aba, kulang na lang araw-araw murahin at ali­pustahin sila ni P-Duterte, boom!

◘◘◘

MGA DRUG LORD SA PUSLITAN NG SHABU ANG DAPAT PAIMBESTIGAHAN, HINDI ANG PATAY NA TATAY AT SAKITING NANAY NI SEN. TRILLANES —Ipinag-utos ni P-Duterte na imbestigahan ang naging business transaction sa Philippine Navy (PN) ng mga magulang ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Pambihira, imbes na ang paimbestigahan ni P-Du­terte ay kung sino ang mga drug lord na nagpasok ng tone-toneladang shabu sa bansa noong nasa Bureau of Customs pa sina BuCor Director Nicanor Faeldon at TESDA Director General Isidro Lapeña, eh, ang napagdiskitahang paimbestigahan ay ang tatay ni Sen. Trillanes na matagal nang patay at ang may sakit na 84-anyos na ina ng senador, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

BALIK-RICE SMUGGLING NA NAMAN SINA “JOJO” AT “MANNY”—May impormasyong balik-rice smuggling na naman daw sa BOC sina “Jojo” at “Manny”.

Kung totoo ito, tingnan natin kung kaya silang ipatokhang ni BOC Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page