Nagpapanggap na turista, gumagamit ng pekeng passport, etc. — Poe | MODUS NG MGA ILIGAL NA INTSIK, N

NANAWAGAN sa Department of Labor and Employment at Bureau of Immigration na mas higpitan pa ang pag-iisyu ng visa sa mga Chinese.
Ayon kay Senator Grace Poe, nakababahala ang pagdami ng hindi dokumentadong Chinese na nagtatrabaho sa Pilipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Pilipino.
Napag-alamang pumapasok ng bansa ang nasabing mga dayuhan sa pamamagitan ng pagkukunwari bilang turista ngunit, magtatrabaho pala.
Ilang Tsino rin umano ang gumagamit ng iligal na pasaporte ng Pilipinas para lamang makapagtrabaho sa bansa.
Samantala, ayon kay Atty. Homer Arellano, pinuno ng prosecution and legal assistance section ng Immigration, ilang Chinese lamang ang nahuling gumagamit ng illegal Philippine passport.
Ayon naman sa DOLE, ilan sa mga pumapasok na Chinese ay mga turista ngunit, nakakukuha ng special working permit.
Wala namang tala ang Philippine Amusement and Gaming Corp. sa rami ng Chinese na nagtatrabaho sa online gaming kahit pa karamihan sa mga inisyung special working permit ay para sa mga Chinese national na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations.
Samantala, sa kabuuang 1.66 milyon tourist visas na inisyu ng Department of Foreign Affairs, 18 lamang na employment visa para sa Chinese ang naiproseso.
Kaugnay nito, nanawagan si Poe na magsagawa ng imbestigasyon sa mga ahensiya at bumisita sa mga lugar kung saan sila nagtatrabaho para masigurong may kaukulang dokumento.
Tulad ng ulat na pawang mga Chinese ang magsisilbing construction workers at contractors sa rehabilitasyon ng Marawi.
Dapat din umanong makipag-ugnayan ang Pilipinas sa gobyerno ng China para masigurong walang criminal record ang sinumang papasok sa bansa.
Nagreresulta naman sa paglobo ng presyo ng ari-arian tulad ng condominium ang pagdagsa ng mga Chinese na maaaring dulot ng ‘superficial market conditions’ dahil sa pangangailangan sa espasyo.





Comments