Money transfer hinoldap ng 2 ‘sekyu’
NILOOBAN ng dalawang lalaki na nakasuot ng security guard uniform ang isang sangay ng money transfer company kamakalawa sa Taguig City.
Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Bucsit, 57, guwardiya; Nicole Shane Lacia, 25, at Wenceslina Roderos, 62.
Base sa report na natanggap ng Southern Police District, nangyari ang panloloob ala-1:05 ng hapon sa loob ng Cebuana Lhuillier sa Phase 2, Bgy. Pinagsama Village, Taguig City.
Sinasabing habang naka-duty ang guwardiyang si Bucsit, dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa isang pink na motorsiklo na walang plaka na nakasuot ng security guard uniform kung saan ang isa ay naka-reflectorized vest at ang isa naman ay naka-commouflage green jacket.
Kinausap ng mga ito si Bucsit at nagpanggap na mga customer at sabay nag-anunsiyo ng holdap at tinutukan ng baril ang mga taong nasa loob ng naturang money transfer.
Kinuha ang kalibre .38 service firearm ng guwardiya, agad na nakatakbo ang kahera at nakapagtago kaya napagbalingan ng mga holdaper ang mga kostumer na sina Lacia at Roderos.
Natangay sa kanila ng mga suspek ang cellphones, ATM cards at P7,000 cash.





Comments