top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GUIAO, POSITIBO SA GILAS LABAN SA KAZAKHSTAN

Clyde Mariano / MC
Nov 29, 2018
1 min read

SA kabila ng pagkatalo sa tatlo sa apat na tune-up matches, nananatiling kum­piyansa si coach Yeng Guiao ng Team Pilipinas na may tsansa pa ang Gilas para sa isang penultimate window ng FIBA World Cup quali­fiers.

Matapos na matalo sa Jordan, muling nakasagap ng back-to-back loss ang Gilas Pilipinas kontra Lebanon kabilang na ang 71-58 set­back noong Linggo para sa isang linggong serye ng laro.

Bahagyang nakapag­komento si coach Guiao ng ‘lack of effort’ ng players bagamat naroon pa rin na­man ang kanyang tiwala sa Nationals anuman ang mang­yari sa kanilang kampanya para sa FIBA.

“Yung competitive na­ture medyo disappointed ako because I felt they could have exert more effort,” ani Guiao habang nasa kasag­sagan ng laro ng team sa Meralco Gym na lumabas ang pahayag sa PBA.ph.

“But we’re positive na­man we can play a good game against Kazakhstan on Friday.”

Muling binuksan ng team Pilipinas ang kam­panya sa 5th window quali­fier ngayong weekend kasu­nod ng laro ng Iran sa Dis. 3 na ang mga laro ay idaraos sa MOA Arena.

Ang 12-man final team roster ay iaanunsiyo, isang araw bago ang laban sa Ka­zakhstan.

“May idea na kami kung sino iyong final 12. The scrimmages and tune up games were big factors in choosing the players,” aniya. Diretso na kami sa 12, meron na kaming idea.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page