top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Gapos at akyat-bahay gang, timbog

Jeff Tumbado
Nov 29, 2018
1 min read

ARESTADO ng Bulacan police ang nasa 11 kalalakihan na pawang mga miyembro ng notoryus na Gapos Gang at Akyat-Bahay Gang sa magkahiwalay na operasyon sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Unang dinakma sa Bgy. Maharlika sina Gilbert Laxamana, John Jesus Laxamana at Leonard Barrios.

Ayon sa report, iniulat sa kanila ang isang kahina-hinalang puting van na nag-iikot sa isang subdivision sa Bgy. Tungkong Mangga.

Nang berepikahin ang ulat, nagkahabulan sila ng van hanggang sa makorner at maaresto ang tatlo.

Sa pamamagitan ng isang follow-up operation, naaresto ang tatlo pang suspek na hinihinalang mga kasabwat ng unang tatlong naaresto.

Nakilala ang mga ito na sina Jerome Velasco, Marvin Patubo at Ma. Buena Sedico.

Narekober mula sa mga ito ang isa pang puting van, dalawang flat screen TV, dalawang granada, 9mm na baril, kalibre .38, ilang mga laruang baril at tools.

Sa isa pang follow-up operation, naaresto ang lima pang mga miyembro ng kanilang grupo na sina Rose Ann Sioson, Rachel Laxa­mana, Gemma Laxamana, Mike Adoy at Reginald Laxamana.

Ayon kay Bulacan Provincial Police Office Director Sr. Supt. Chito Bersaluna, sangkot ang grupo sa serye ng nakawan at panghoholdap hindi lamang sa San Jose del Monte maging sa Sta. Maria at Guiguinto rin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page