top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 tumangay ng motor, todas

Jeff Tumbado
Nov 29, 2018
1 min read

DEDBOL ang dalawang lalaki na sinasabing magnanakaw ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa pulisya sa Bgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa pulisya, gabi ng Martes nang makatanggap sila ng tawag mula sa biktima umano ng dalawang suspek.

Tinutukan umano ang biktima ng baril ng mga suspek at puwersahang kinuha ang kanyang motor habang siya ay nasa kahabaan ng Doña Isaura Street.

Kasunod nito, isa namang ulat ng panghoholdap ang nakarating sa himpilan ng pulisya. Ayon sa biktima, sakay ng motorsiklo ang dalawang armadong lalaki.

Sa pagsasagawa ng follow-up operation, namataan ang mga suspek sa kahabaan ng Villareal Street at doon na sila nagkahabulan matapos humarurot ng mga suspek.

Nang makorner ang mga ito, kapwa bumunot ng baril ang mga lalaki at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Narekober mula sa dalawa ang isang kalibre .38 at isang .45 na ginagamit sa kanilang modus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page