Sa sobrang selos… BUHAY NI JM, NASISIRA NA NAMAN DAHIL SA MGA FANS

PALABAS pa rin ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala nina JM de Guzman at Rhian Ramos kaya nagkikita pa rin ang dalawa. Dahil dito, tuloy pa rin ang tsikang nagkaroon sila ng relasyon na ikinagalit ng mga fans ng love team nina JM at Barbie Imperial.
Inaway sa socmed si Rhian na ang reaction lang ay “Wtf. NOT TRUE. Seriously children, I’m too old for this nonsense, Gimme a break already.”
Pero si JM, sinagot ang ilang fans nila ni Barbie na sinugod siya sa Instagram (IG) at sinumbatan sa pagsuporta ng mga ito sa kanya.
Maayos ang sagot ni JM sa isang fan na mag-focus ito sa pamilya at sa trabaho. Pero mas mahaba ang sagot ng fan, kaya sabi ni JM, ang tulad nito ang sumisira sa fandom.
Sa ginagawa ng ilang fans kay JM, nasa aktor ang simpatya ng mga netizens. Tama nga naman, nagtatrabaho nang maayos si JM at sumisigla uli ang career, pero dahil sa selos ng mga fans, nadidiskaril ang buhay nito.
Hindi ba puwedeng ihiwalay ang real sa reel? Gusto tuloy ng mga supporters ni JM, sa susunod nitong project sa ABS-CBN, hindi muna si Barbie ang ipareha sa kanya para makaiwas sa JuanBie fans.





Comments