Papasok ng iskul | MA’AM BINARIL, DEDBOL
DEDBOL ang isang guro matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Bgy. Barandal, Calamba City.
Alas-6:40 ng umaga, habang naglalakad papasok sa eskuwelahan ang biktimang si Evelyn delos Santos, nang biglang sumulpot sa kanyang tagiliran ang nag-iisang suspek.
Agad siyang binaril nang malapitan na daglian nitong ikinamatay saka tumakas ang salarin. Posible umanong may kinalaman sa naging dating alitan na humantong sa barangay ang usapin ng dating kaso.
Gayunman, patuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek at nasa likod ng pamamaslang.





Comments