top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Napakabagal na gulong ng hustisya sa bansa, pabilisin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
2 min read

HUSTISYA, ano nga ba ito, bakit ma­rami ang nagsasabing may pinipili at napakabagal nang takbo nito sa Pilipi­nas?

Ayon kay Cephalus ng sinaunang Gri­yego, ang hustisya ay ang pagbabayad ng ating kasalanan o obligasyong legal — pagiging tapat.

Ito ay tulad ng utang na loob sa mga kai­bigang tumulong sa atin at paghihi­ganti sa mga kaaway.

Bagaman, may kaunting hawig ang paka­hu­lugan ni Cephalus sa pakahulu­gan ng phi­losopher na si Polemarchus, mas marahas ang pakahulugan ng huli sa hustisya.

Para kay Polemarchus, makakamit lang natin ito sa patas na laban. Ibig sabihin, kung buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran.

Maging anuman ang tingin dito ng mga intelektuwal, iisa lang ang masasabi natin:

Ang hustisya sa panahong ngayon ay kilos-pagong. Mabagal at sabi nga ng iba, may pinapanigan.

Nitong nakaraang linggo, inapruba­han ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang paglikha ng posisyong “judges-at-large” na itatalaga sa mga mababang hu­kuman.

Sakaling maisabatas, malaking tu­long ito sa mga korte para mapabilis ang kaso at ma­bawasan kundi maiwasan ang pagkakaroon ng mga nakabimbing kaso.

Wala mang permanenteng sala ang jud­ges-at-large, maaari pa rin silang tumayo bilang assistant o acting judge sa regional trial courts.

Gayundin, tatanggap sila ng kauku­lang suweldo na katumbas ng RTC judge, prebilehiyo, benepisyo at ranggo bilang judge ng mababang hukuman.

Marami sa atin, lalo na ang mga ma­hi­hirap nating kababayan ang nagdurusa sa napaka­bagal na gulong ng hustisya.

Ang rason ng mga korte, napakara­mi raw kasing kaso ang hindi agad ma­resolba. Ni­likha ng Mataas na Kapulu­ngan ang mga posisyong ito para hindi na maging katuwiran ang pagtambak ng mga kaso sa sala ng isang hukom.

Umaasa tayo na maipapasa ito dahil isa ito sa mga magiging tulay para sa mabilis na pag­papataw ng hustisya at sana makamit ng lahat ang patas na katarungan.

Nakalulungkot na sa datos ng National Statistical Coordination Board, mula 2005 hang­gang 2010, lumalabas na taun-taon, may average na 1,059,484 ang nakabimbing kaso sa mga korte.

Ibig sabihin, umaabot sa 4,000 kaso ang lumalapag sa lower courts kada araw.

Kung susumahin natin, walang super­powers ang court workers para mapadali ang pagdinig sa mga kaso.

Kaya umaasa tayong kapag maipasa ang panukalang ito, tiyak bibilis ang gulong ng hustisya, lalo na sa regional trial courts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page