Nabagsakan sa ginagawang mall | LALAKI LASOG SA ELEVATOR
NASAWI ang isang 38-anyos na construction worker matapos mabagsakan ng binabaklas niyang elevator sa isang construction site ng ginagawang mall sa La Purisima St., Bgy. Mampas, Zamboanga City.
Kinilala ang biktima na si Guillermo Barason, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.
Sa inisyal na ulat, binabaklas umano ni Barason ang kable ng elevator nang hindi nababatid na nakakabit pa ang weight balancer nito.
Bigla umanong napigtal ang kable at bumagsak ang elevator at nabagsakan ang biktima at nalasog ang katawan nito.





Comments