top of page
Pokwang.jpg

KING GIL, PARA SA DEHADISTA

Green Lantern
Nov 28, 2018
2 min read

RENDA at LATIGO

ISANG magandang araw ng pangangarera ang nais ipa­abot sa lahat ng bayang karerista kasabay ng pagbibigay ng tip sa karerang gaganapin ngayon sa San Lazaro Leisure Park,Carmona Cavite.

May nasisilip akong dehado sa pitong karera na magaganap ngayon sa SLLP na maghahatid ng magandang dibidendo.

Sa paunang karera sa race 1,magiging mahigpit na ang labanan sa pagitan ng Oceanside at Agent Zarto.

Magiging kapana-panabik ang laban ng What A Feeling, Batang Heroes at Trust Worthy sa susunod na karera. Pinapaboran ang What A Feeling at inaasahan na makakalaban ng mahigpit ang dalawang kalahok na Batang Heroes at Trust Worthy.

Sa mga karerista kong suki magandang karera ang magaganap sa Race 3 sa pagitan ng Morning Breeze, King Gil at El Mundo. Lubhang pinapaboran ang Morning Breezer sa nasabing karera ngunit binibigyan ng panalo ang King Gil at El Mundo.

Masasabi rin na magandang laban ang magaganap sa race 4 na matutunghayan ng bayang karerista sa pagitan ng Play It Safe, Heat Resistant at Sharo As Ever.

Sinisilip ng mga “silip boy” na may panalo sina “Heat Resistant” at “El Mundo” Lubhang ipinapatok ang Digame laban sa dalawang kalahok na sina Oak Hill at Miss Thrifty sa Race 5.

Patok ang Lirpa’s Choice sa Race 6, habang Asky Full of Star ang binibigyan ng malaking panalo at Moon Fire ng magandang dehado.

Tip ni Mang Ding: Race 1 Oceanside (7),Agent Zarto,10; Race 2 What A Feeling (6),Batang Heroes,Trust Worthy (1); Race 3 Morning Breeze (3) King Gil (11) El Mundo (6); Race 4 Play It Safe (2) Heat Resistant (1) Sharp As Ever (5); Race 5 Digame (2) Oak Hill (4) Miss Thrifty (6);

Race 6 Lirpa’s Choice (4) Leonora’s Angel (6); Race 7 ASky Full of Stars(2) MOON FIRE (4) One Eyed Jane (5) WTA – 2-10\6-1\3-6\2-1-5\2-4-6\4\2-4-5; PICK 6 - 6-1/3-6/2-1-5/2-4-6/4/2-4-5; PICK 5- 3-6/2-1-5/2-4-6/4/2-4-5; PICK 4- 1-5\2-4-6\4\2-4-5

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page