top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

DTI, quiet pa rin sa taas-presyo ng mga bilihin, ngek!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
2 min read

MAY panibago na namang rollback sa presyo ng oil products ngayong linggong ito. At kung hindi tayo nagkakamali ay nasa ika-7 linggo na ito nang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng petrolyo.

Siyempre, ang masayang-masaya sa development na ito, eh, walang iba kundi ang ating mga friendship na tsuper ng jeep at kanilang mga operator dahil ekstrang kita ang ibig sabihin nito sa kanila.

Sa totoo lang, maraming tsuper ang medyo masiba, ha? Alam ba nilang hindi puwedeng maningil ng dagdag-pasahe kapag wala silang nakapaskil o maipakikitang fare matrix na isyu ng LTFRB? Ang lakas ng loob na maningil ng dagdag-pasahe at kapag sinita natin, sila pa ang galit. Tapos kung makaasta ay akala mo mga aping-api kapag humihingi ng dagdag-pasahe. Maraming ganyang mga tsuper, pero hindi naman natin nilalahat.

Ngayon, masayang-masaya na sila dahil mababa na ang presyo ng langis at magtutuluy-tuloy pa raw ito hanggang matapos ang taon at sa mga unang linggo ng 2019 kaya masasabi nating maganda ang magiging Pasko at Bagong Taon nila.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit parang hindi yata nababawasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, samantalang, kapag may oil price hike, mabilis ang domino-effect? Taas-presyo rin agad ang presyo ng mga bilihin. Nasa ikapitong linggo na ng rollback, bakit parang quiet lang ang ating mga opisyal sa Department of Trade and Industry at hindi maringgan tungkol sa mga gagawin nila sa traders na patuloy na naniningil ng sobra?

Talagang inaabangan nang marami ang balita tungkol sa muling pagbaba ng pamasahe. Matatandaang, nakarinig tayo sa lider ng transport group na kapag nagtuluy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng langis ay hindi na raw natin kailangang mangulit dahil kusa na nilang ibababa ang singil sa pamasahe.

Eh, ang kaso, walang kusa ang ilang tsuper ng jeep na magbaba ng kanilang singil. ‘Yung iba, nandaraya pa dahil naniningil ng dagdag-pasahe kahit walang fare matrix na maipakita sa kanilang mga pasahero. Pakapalan na lang ng fez ang iba, keber lang sa mga sasabihin ng mga pasahero.

Hay naku, sana lang ay magkusa hindi lang ang ating mga tsuper na maging considerate sa kanilang mga kababayan kundi pati na rin ang DTI na kumilus-kilos na para mapababa ang presyo ng mga bilihin. Baka hinihintay pa nilang sumirit ulit ang presyo ng langis at saka sasabihin na hindi na nila mapipigilan ang mga negosyante na magtaas ng presyo ng kanilang mga paninda. Kaloka kayo, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page