CYCLING, TABLE TENNIS AT CRICKET TAMPOK SA NPC ‘USAPANG SPORTS’
- BULGAR

- Nov 28, 2018
- 1 min read

KAPANA-PANABIK ang ikalawang edisyon ng TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports ngayon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Maynila.
Dadalo sa talakayan si VP for marketing ng Powerball at GODFATHER ng Go for Gold na si Jeremy Go at coach Ednalyn Hualda, samantalang ihahayag ni Universal Reality Combat Championship (URCC) at Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar ang resulta ng matagumpay na Southeast Asian Wrestling, Grappling and Pankration Championships sa Laguna.
Upang bigyang linaw ang tunay na sitwasyon ng Table Tennis sa bansa ay darating din sa public forum ng 10:00 a.m. si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma.
Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga mamamahayag na alamin ang larong cricket sa pagdating nina Philippine Cricket Association (PCA) General Manager and tournament director Faisal Khan at Philippine Team captain Jonathan Hill na ilalahad ang World Cup qualifier na gagawin sa Disyembre 1-7 sa Emilio Aguinaldo College sa Dasmariñas, Cavite.
Pinamumunuan ni PT sports editor Ed Andaya ang TOPS at hinihiling ang pagdalo ng mga opisyal at miyembro ng organisasyon. (MC)





Comments