Chinovela pasok sa ‘Pinas

BAHAGI ng pagpapalakas ng relasyon ng China at Pilipinas ang maunawaan ang kultura ng isa’t isa.
Maaari umano itong idaan sa pagpapalabas ng mga sikat na Chinese TV drama na isasalin sa Tagalog.
Nobyembre 19 nang ipinasilip ang ilang Chinovelas sa presentasyon na may titulong China Image: Showcase of popular Chinese TV drama sa Makati Diamond Residences.
Kabilang sa mga dumalong panauhin sina PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat, PTV4 OIC Richard Valdez at Ma Li, Director General of the International Cooperation Department of the National Radio and Television Administration of China, Madam Zhao Yifang, CEO of Huace Group, Mr. Wu Yi, Thanyi Media, Ms Xhang Chenxi, Asst. GM IM Power of China at Mr. Zhan Yikai ng Jiaping Film.
Nilinaw naman sa media na aangkat din sila ng mga Filipino TV drama na kanilang isasalin sa kanilang wika upang higit na maunawaan ng kanilang kababayan ang kultura ng Pilipinas.





Comments